
Unang beses na sumabak sa taping ng Villa Quintana si Al Tantay noong Biyernes, February 21. Siya ang napiling magpatuloy sa naiwang character ni Roy Alvarez, si Don Manolo Quintana. Sa pagbisita ng GMANetwork.com sa kanyang unang taping day, nagpaunlak ang veteran actor ng isang exclusive interview.