
Sobrang busy man ang Kapuso artist na si Solenn Heussaff, nakakapagbigay pa rin siya ng panahon sa iba’t ibang bagay. Nariyan ang pakikipag-bonding sa kanyang pamilya at mga kaibigan, at nariyan din ang pag-aasikaso sa negosyo kasama ang kanyang kapatid na si Erwan Heussaff.