
Ilang taon na ang nakalipas mula nang umalis ng bansa si Kapuso actress G. Toengi para mag-aral sa Amerika. Kasabay ng pag-aaral niya roon ang pagbuo niya ng pamilya. Pero noong 2011, napagdesisyunan nilang bumalik sa Pilipinas. Nang makita ng GMANetwork.com ang aktres, napansin namin na walang ipinagkaiba ang kanyang itsura mula nang siya ay umalis ng Pilipinas. Taglay pa rin niya ang fit at trim body at lalo pa siyang gumanda.