
Tila nawawalan na ng pag-asa si Efren na makuha ang puso ni Olivia. Samantala, nahuli ni Oseng ang planong pagtulong ni Rigor kina Faye at Weng para maitakas si Justin at dahil dito, pare-parehas silang nakatikim ng pagmamalupit ni Oseng. Patuloy namang iniisip ni Vicky kung talagang nakikita nya si Olivia o guni-guni nya lamang.