
Walang amor na natatanggap si Pyra mula sa ama-amahan na si Cesar at pinag-aawayan na nila ito ng asawang si Merly. Nang abutan ni Pyra na pinagbubuhatan ng kamay ni Cesar ang ina, hindi niya napigilan ang apoy na nagmumula sa galit sa kanyang mga mata. Nagkasunog sa barrio at nasiwalat ang lihim ni Pyra.