
Kahit sa pilot week lamang mapapanood ang character actress na si Ina Feleo sa Akin Pa Rin Ang Bukas, masasabing importante ang kanyang ginagampanang role dahil sa kanya magsisimula ang kuwento. Mas napadali daw ang trabaho para kay Ina dahil ang mismong mommy niyang si Direk Laurice Guillen ang nag-direct sa kanya.