
Isa si RJ Padilla sa Kapuso heatthrobs na kinakikiligan ngayon. Hindi ito nakapagtataka dahil bukod sa kisig ng mestizo actor, may sense of humor din ito. Kaya naman nang makapanayam namin ang aktor sa pocket press conference ng “Basement”, sinabi niya sa amin na sense of humor din ang hinahanap niya sa isang ideal girl.